Sotto sa mga kritiko ng Martial Law sa Mindanao: Padala na lahat ng kontra sa Marawi
Sinabi ni Majority
Senate Leader Vicente Sotto na ang magpunta ng Marawi City ang mga
nagpipetisyon na ipawalang-bisa ang Martial Law declaration sa Mindanao ng
Pangulong Duterte.
Ayon sa ipinadalang
text messages ng senador sa GMA 7, “Padala na lang lahat ng kontra sa Marawi.
Sila na ang tumapos ng gulo”. Ito ang
kanyang naging tugon kung ano ang kanyang reaksyon sa mga tumutuligsa sa
Martial Law sa Mindanao.
Bago ang pahayag ni
Sotto, nauna nang sinabi ni Albay Rep. Edcel
Lagman sa kanyang oral arguments sa SC na ang terorismo ay hindi agad
maituturing na katumbas ng rebelyon. Kaya’t hindi maaaring basta na lang
magpapatupad ng Martial Law at suspendihin ang writ of harbeas corpus.
Pero para kay Sen.
Sotto, magkapareho lang naman ginagawa ng teroristang grupo sa Marawi dahil
naghihimagsik sila laban sa gobyerno. Kinatuwiran pa ng senador na ginagamit ng
Maute group ang terorismo para itaguyod ang rebelyon. Ganun lang daw ito kasimple.
Idinagdag pa ni Sotto na
kaya lang kinukuwestiyon ng opisisyon na pinamumunuan ni Lagman ang Martial Law
sa Mindanao dahil sila ay mga anti-Duterte.

Comments
Post a Comment