Dating Binibining Pilipinas Candidate, Inaresto Kasama ang Isang Hinihinalang Tulak ng Droga
Positibong kinilala ng mga Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga suspek na sina Joseph Bayque at Maria Sofia Gloria Mustonen, naging kandidata sa Binibining Pilipinas 2013.
Ayon sa PDEA nahuli ng operatiba ang dalawa sa isang condominium unit sa BGC bandang alas nuwebe ng gabi. Naka-recover sila ng baril, shabu at party drugs sa naturang condo unit.
Hinihinalang nagtutulak ng droga sa mga call center agents si Bayque habang itinanggi naman ni Mustonen na naglalako siya ng droga.
Source: gmanetwork.com

Comments
Post a Comment