Sen. Villar, 'di na ipagbabawal ang unli rice sa mga kainan
Binabawi na ni Sen. Cynthia Villar ang kanyang plano na paghahain ng batas na nagbabawal sa sa paghahain ng unli rice sa mga food establishmentsa bansa. Ito ay matapos siyang makatanggap ng kaliwa't kanang pambatikos mula sa mga netizen. Ayon kay Villar, inaaalala lang niya diumano ang kalusugan ng ating mga kababayan. Sa pagkakaalam niya kasi na ang labis na pagkain ng kanin ay nakapagdudulot ng high blood sugar na nauuwi sa pagkakaroon ng diabetes. Hindi niya diumano maaaring pigilin ang sinuman kung gustong kumain ng maraming kanin ang sino man lalo na't ang mga Pinoy ay mahilig talaga sa kanin. Hinihikayat ni Villar ang ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Agriculture, Social Welfare and Development at ng Department of Health na itaguyod nila ang mga programa hinggil sa mabuting nutrisyon at panglalu...